ILANG LGU’s SA PANGASINAN KAISA SA PAGHIKAYAT PARA UMIWAS SA PANINIGARILYO

Kasabay ng pagdiriwang ng “No Smoking Month” sa Pilipinas ay ang paghikayat ng mga eksperto sa pag iwas sa bisyo na ito.
Sa inilabas na pahayag ng Philippine Information Agency Dagupan, ang nasabing obserbasyon ngayon ay upang mahikayat at maiangat ang kaalaman ng publiko kaugnay sa panganib na dulot ng paninigarilyo.
Iba’t ibang mga local government UNITS sa pangasinan na din ang naglabas ng kanilang mga pahayag kaugnay sa panganib na dulot ng paninigarilyo at pag iwas dito.

Sa buong Pilipinas ay umaabot ng 240 ang namamatay araw araw na Pilipino o katumbas ng 87, 600 ang Pinoy na namamatay kada taon na may kinalaman sa paninigarilyo.
Samantala, naglabas naman na ng hotline ang DOH sa mga nagnanais namang maiwasan ang bisyo na ito. | ifmnews
Facebook Comments