Ilang libreng serbisyo mula sa pamahalaan, ilulunsad ngayong kaarawan ni Pangulong Marcos

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito ay magkakaroon ng “Salo-salo sa Palasyo” mamayang alas-4:00 nang hapon kasama ang mga kawani ng Office of the President, bagama’t hindi pa sigurado kung bubuksan ito sa media.

Ipagpapatuloy rin ang pamamahagi ng pagkain sa mga residenteng na nasa paligid ng Malacañang complex na nagsimula pa noong Lunes.


Bukod dito, magkakaroon din ng libreng tanghalian at iba pang serbisyo sa East Avenue Medical Center, National Kidney & Transplant Institute (NKTI), Veterans Memorial Medical Center, Lung Center of the Philippines, Philippine Orthopedic Center, at Philippine General Hospital (PGH).

Habang magkakaroon din ng pamamahagi ng ayuda sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments