
Duda sina House Deputy Minority Leader Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party-list at House Assistant Minority Leader Perci Cendaña ng Akbayan Party-list sa sinseridad ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maisabatas ang mga inianunsyo niyang prayoridad na mga panukalang batas.
Kabilang dito ang panukalang Independent People’s Commission Act, Anti-Political Dynasty Bill, Party-list System Reform Act, at Citizens’ Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act.
Ayon kay De Lima at Cendaña, kung talagang nais ni PBBM na maipasa ang naturang mga panukala, dapat ay sertipikahan niya itong urgent bills.
Pasaring ni Cendaña, ang politikong gipit ay sa pangakong reporma kumakapit.
Naniniwala si Cendaña na ang inihayag na pagsuporta ng pangulo o ng palasyo sa nabanggit na mga panukala ay tila pagsasalba lang sa kanilang mga sarili.










