Tuesday, March 24, 2026

Ilang lider ng senado, pabor sa mungkahing pagaralan ang pagpapaliban sa ASEAN Summit

Pinaburan ng mga lider ng Senado ang mungkahing pagaralan ang pag-postpones muna sa hosting ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong taon.

Ito ay para makatipid ang gobyerno at magamit ang P17 billion na pondo sa mga programang makakatulong ngayong nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng gyera sa Middle East.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ang mungkahi ni Finance Secretary Gary Teves ay maaaring pagaralan ng ehekutibo.

Sinabi naman ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na may merito para seryosong pag-aralan ang rekomendasyon at maaari itong ikunsidera ng Malakanyang at posibleng maunawaan naman ito ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Naunang inirekomenda ni Finance Secretary Gary Teves na i-postpone na muna ang nakatakdang ASEAN Summit ngayong taon at ang pondo para rito ay ilipat sa mga programa na tutugon sa inflation at iba pang economic pressures.

Facebook Comments