Ilang lider ng Simbahang Katoliko, dahilan ng hindi magandang ugnayan ng simbahan at gobyerno – palasyo

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa simbahang katoliko na patigilin na ang mga miyembro nito sa paglalabas ng matatalim na pahayag kontra sa paglaban ng gobyenro sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang sa harap na rin ng resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan lumalabas na 58% o halos 6 sa bawat 10 pilipino ang naniniwala na dapat tumulong ang mga lider ng simbahang katoliko sa rehabilitasyon ng mga drug addicts sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang bukas ang Malacañang sa panukalang ito pero ang hindi aniya maganda ay patuloy na binabanatan ng simbahan ang kampanya ng gobyerno.


Kaya naman umaapela sila sa simbahan na kausapin ng simbahan ang ilan sa kanilang pinuno na maging maingat sa paglalabas ng mga pahayag laban sa gobyerno.
Paliwanag ni Abella, ang mga ito ang dahilan kung bakit nahahati ang simbahan na nagiging balakid sa pagtutulungan ng simbahan at ng gobyerno.

Umapela din aniya sila sa simbahan na tumulong sa gobyerno lalo na sa rehabilitation at treatment ng mga drug dependents.

Facebook Comments