Ilang local celebrities, nasa New Zealand na para sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff

New Zealand – Isa-isa nang nagsidadatingan ang mga local celebrities sa New Zealand para sa nalalapit na kasal ng TV host actress na si Anne Curtis at food blogger fiancé na si Erwan Heussaff.

Kabilang sa bagong batch ng celebrity friends ni Anne na dumating sa New Zealand ay sina Cheska Kramer, Danica Sotto, CJ Jaravata at BJ Pascual.

Inaasahan na rin ang pagdating sa sinasabing wedding venue ni Anne ang mga kasamahan nito sa kinabibilangang noontime show na siina Vice Ganda, Karylle, at asawang si Yael Yuzon.


Una nang nakarating ang iba pa nilang co-hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Vhong Navarro.

Nasa New Zealand na rin sa mga nakalipas na araw sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Angel Locsin kasama ang rumored boyfriend na si Neil Arce.
Matatandaan na anim na taon naging magkasintahan sina anne at Erwan na kapwa 32-anyos.

Facebook Comments