Ilang LP sa mayorya ay hindi pa rin buo ang suporta sa ilang panukalang itutulak ng liderato ng Kamara

Kahit tumawid sa Mayorya, iginiit ni Caloocan Rep. Edgar Erice na may mga panukalang batas pa rin silang babantayan sa pagbubukas ng 18th Congress.

 

Ayon kay Erice bago pa man sila sumama sa mayorya ay nakausap na nila si Speaker Alan Peter Cayetano at dito ay inilahad nila na may ilang panukalang batas silang hindi susuportahan.

 

Kabilang na dito ang death penalty, lowering age of criminal liability at ang panukalang Charter Change.


 

Sa halip naman na Federalism o Chacha, inirekomenda ni Erice kay Cayetano na amyendahan na lamang ang Article 10 ng Konstitusyon na paglikha ng Metropolitan Governments sa mga highly urbanized areas tulad ng Metro Manila, Davao City, Cebu at Clark.

 

Aabot naman sa 10 ang mga miyembro ng Liberal Party na lumipat sa mayorya dahil sa mga nais na isulong na adbokasiya, pagkakaiba ng prinsipyo at mga concerns sa kanilang mga distrito.

 

Sa kabila nito, inirerespeto ito ng Liberal Party at malaya naman silang makapamili kung saang grupo nila gusto sumama.

 

Matatandaan na 5 miyembro ng LP ang nakipagkoalisyon sa MAKABAYAN at Partylist Coalition para bumuo ng Minorya sa Kamara habang isa namang LP member ang independent.

Facebook Comments