Naihatid na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na Locally Stranded Individual (LSI) at sampung Indigenous Person (IP) sa Zamboanga City.
Sinalubong ng BRP Malamawi ang BRP Gabriela Silang sa Basilan Strait para siguraduhing ligtas na maibababa ang mga nasabing IP at LSI sa Port of Zamboanga City.
Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, agad na bumalik ang BRP Malamawi sa Basilan Strait pagkahatid sa mga pasahero sa pier para naman ibiyahe ang kahun-kahong medical supplies para sa mga health workers.
Hindi na dumaong pa sa Port of Zamboanga City ang BRP Gabriela Silang para maging mabilis ang kanilang biyahe papuntang General Santos City at Davao City kung saan maghahatid pa sila ng humigit-kumulang 150 na LSIs.
Inaasahan naman na bukas, June 29, 2020 ng alas-6:00 ng umaga darating sa General Santos City ang BRP Gabriela Silang.