ILANG LUGAR NA KABILANG SA YELLOW CATEGORY SA PANGASINAN NGAYONG ELEKSYON, NANANATILING PAYAPA

Nananatiling payapa ang mga bayan at lungsod sa Pangasinan na kabilang sa Yellow Category o Areas of Concern kaugnay sa Halalan 2025.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa pamunuan ng Dagupan City Police Station, Aguilar, at San Quintin Police Station, generally peaceful pa raw ang kanilang nasasakupan. Anila, handa ang mga ito sakaling may mamuong mga tensyon sa pagitan ng mga local candidates sa bayan.
Pinaiigting din ng kapulisan ang pagbabantay sa kanilang area of responsibility upang tuluyang maiwasang makapagtala ng anumang election-related incidents.
Samantala, wala pa namang insidenteng naitala ang mga kapulisan kaugnay naman sa insidente ng vote-buying o vote-selling. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments