Ilang lugar na nakukubkob ng Maute Group, nababawi na ng militar

Marawi City, Philippines – Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na unti-unti nang napapasok ng mga sundalo ang mga lugar na hawak ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson Lt/Col. Jo-Ar Herrera – patuloy ang isinasagawang airstrikes sa mga pinagkukutaan ng mga kalaban.

Pero aminado si Herrera na mahirap pa ring tugisin ang mga natitirang miyembro ng teroristang grupo dahil may mga diskarte ang mga ito para makalipat ng ibang pwesto.
DZXL558


Facebook Comments