Ilang lugar sa bansa bibisitahin ni Pangulong Duterte para mapalakas ang turismo sa kabila ng banta ng COVID-19

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang lugar sa bansa sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni USEC Art Boncato na pinaplantsa na lamang ang detalye hinggil dito.

Sinabi pa ni Tourism USEC Boncato, na posibleng mabisita ng Pangulo ang Boracay, Cebu at Bohol


Aniya, maaaring maganap ang pagbisita ng Pangulo sa mga nabanggit ng lugar bago matapos ang Pebrero o sa Marso depende sa schedule ng Pangulo.

Layon nitong i-showcase o ipakita ang ganda ng Pilipinas lalo na ang ating mga kilalang beach sa bansa para makahikayat ng turista lalo na ngayong papalapit na ang summer.

Sa pinaka huling datos ng DOT umaabot na sa tinatayang ₱14.8B ang lugi sa turismo nitong buwan ng Pebrero magmula nang ipatupad ang travel ban sa China, Macau at Hongkong.

Facebook Comments