Ilang lugar sa bansa, dalawang linggo nang COVID-free

Nakapagtala ang ilang lugar sa bansa ng zero COVID case sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na marami-rami nang mga lugar sa bansa ang hindi na nakapagtatala ng panibago o aktibong kaso ng COVID-19.

Kabilang aniya rito ang Eastern Visayas, Northern Samar, Batanes gayundin sa Sorsogon.


Ayon kay Dr. David, mayroon ding mga lugar sa bansa ang mayroon mang aktibong kaso pero hindi na ito nadadagdagan pa.

Halimbawa aniya sa Metro Manila kung saan nasa 0.6 o less than 1 ang ating average daily attack rate (ADAR).

Sa kabuuan, nanatili sa very low risk classification ang buong bansa.

Pero paalala nito, walang puwang ang pagpapabaya lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 at mga bagong variant nito.

Facebook Comments