Ilang lugar sa bansa, deklaradong walang pasok ayon sa Palasyo

Walang pasok sa mga taga Maragusan, Compostella Valley sa darating na Nov25, Lunes dahil sa selebrasyon ng kanilang founding anniversary na nakasaad sa Proclamation no.853.

Deklarado ding special non-working day sa Burgos, La union sa November 27, Myerkules upang bigyang daan ang kanilang 94th founding anniversary base sa Proclamation no.854.

Alinsunod naman sa Proclamation no. 855, idineklara ng Palasyo na special non-working day ang December 6, Byernes sa M’lang probinsya ng Cotabato upang bigyang daan ang selebrasyon ng kanilang kawayanan festival.


Special non-working day rin sa Meycauayan Bulacan sa December 10, Martes alinsunod sa proclamation no. 856 para naman sa selebrasyon ng kanilang araw ng lungsod.

Habang nakasaad sa proclamstion no. 857, wala ring pasok sa December 13, Byernes sa Narvacan, Ilocos Sur para sa selebrasyon ng kanilang founding anniversary

Samantala, sa Proclamation no. 858 deklarado ding special non-working day ang Dec 16, Lunes sa Malvar Batangas kasunod ng kanilang 101st founding anniversary.

Habang nakasaad naman sa proclamstion no. 859 ng Palasyo, wala ring pasok sa Dec 23, Lunes sa Sindangan, Zamboange del Norte para sa selebrasyon ng kanilang founding anniversary.

Wala ding pasok sa Dec 23 ang mga taga Bayawan, Negros Oriental dahil sa kanilang 19th charter anniversary na nakasaad sa proclamation no. 860.

At sa Dec 28 Sabado deklarado ding special non-working day sa munisipalidad ng Tudela, Misamis Occidental alinsunod sa proclamation no. 861 ng Malakanyang para sa selebrasyon ng kanilang founding anniversary.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga proklamasyon nitong November 19.

Alinsunod sa panuntunan ng Department of Labor and Employment, makakatanggap ng 30% na dagdag sa daily wage ang sino mang papasok sa trabaho sa mga nasabing petsa at nabanggit na mga lugar.

Facebook Comments