Ilang lugar sa bansa, isinailalim sa ECQ hanggang Hulyo 31

Hinigpitan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine classification sa ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Iloilo Province at Iloilo City hanggang sa Hulyo 31, 2021.

Ilalagay rin sa ECQ ang Cagayan de Oro at Gingoog City sa Misamis Oriental hanggang sa katapusan ng Hulyo.


Pinalawig naman ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa Antique mula July 22, 2021 hanggang July 31, 2021.

Habang isinailalim ang Misamis Oriental mula Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa GCQ with heightened restrictions hanggang July 31, 2021.

Facebook Comments