Ilang lugar sa bansa, itinaas sa Alert Level 4 dahil sa banta ng COVID-19

Inanunsyo ng palasyo ng Malacañang na inilagay ngayong araw sa mas mahigpit na Alert Level 4 ang apat na lugar sa bansa hanggang katapusan ng Enero.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, mula sa Alert Level 3 ay nasa level 4 na ngayon ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar.

Sa ilalim ng Alert Level 4, nasa 10 percent lamang ang papayagan na indoor capacity sa mga establisyimento para sa fully vaccinated individuals habang 30 percent sa outdoor capacity.


Samantala, nasa Alert Level 3 naman ang mga sumusunod.

Luzon

• Apayao
• Puerto Princesa City
• Masbate

Visayas

• Siquijor

Mindanao

• Zamboanga del Norte
• Zamboanga Sibugay
• Lanao del Norte
• Davao de Oro
• Davao Oriental
• North Cotabato
• Sarangani
• Sultan Kudarat
• Surigao del Norte
• Maguindanao
• Basilan

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatili sa critical risk ang Pilipinas sa COVID-19.

Facebook Comments