Ilang lugar sa bansa na matagumpay sa pagpapatupad ng quarantine protocols, pinuri ng National Task Force

Pinuri ng National Task Force against COVID-19 ang ilang lugar sa bansa dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa public briefing, sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na mayroong “unity of command” at “unity of effort” sa pagkontrol ng virus sa Davao City, Cordillera Administrative Region, Caraga Region, National Capital Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Ilocos Region, at Cagayan Valley.

Sinabi ni Galvez na ang away-pulitika at kawalan ng pagkakaisa ang dahilan kung bakit mahirap ipatupad ang quarantine protocols sa Cebu.


Binigyang diin ni Galvez ang pagpapababa ng fatality rate para mabuksan pa ng Pamahalaan nang husto ang ekonomiya.

Facebook Comments