Mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Sabado.
Maglalaro sa 24 to 34 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw habang 25 to 37 degrees Celsius sa Tuguegarao City, Cagayan.
Naitala naman kahapon ang pinakamataas na heat index na 45 degrees Celsius sa Dagupan City, Pangasinan.
Ngayong araw, delikadong antas pa rin ng damang init ang mararanasan sa ibang bahagi ng bansa gaya sa Catarman, Northern Samar at Aborlan, Palawan na papalo sa 43 degrees Celcius.
Habang 42 degrees Celcius naman ang aasahang heat index sa Dumangas, Iloilo; Masbate City; Puerto Princesa, Palawan at San Jose, Occ. Mindoro.
Samantala, uulan sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM sa dakong hapon hanggang gabi dahil sa easterlies.
Habang posible pa rin ang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil din sa easterlies at localized thunderstorms.