Wala pa ring suplay ng kuryente ang ilang lugar sa bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC), 108 mula sa 306 lungsod at munisipalidad ang nakararanas ng power interruption.
Pinaka-maraming walang kuryente ay matatagpuan sa Ilocos Region na umaabot sa 47.
Habang 42 lugar din ang wala pa ring kuryente sa Cordillera Administrative Region.
Samantala, wala ding suplay ng tubig sa tig isang munisipalidad ng Region 1 at CALABARZON.
Habang putol pa rin ang linya ng komunikasyon sa 6 lungsod at munisipalidad sa Ilocos Region at 2 sa Cagayan Valley.
Kasunod nito, puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan katuwang ang ilang pribadong kumpanya upang maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng tubig, kuryente at linya ng komunikasyon.