Matapos ang anim na buwang pakikipaglaban sa African Swine Fever (ASF) ng labing-talong munisipalidad sa probinsya ng Camarines, posibleng ideklara na ng Department of Agriculture (DA) na ASF free ang ilang lugar doon.
Ayon sa DA, kapag nakitaan na ang mga munisipalidad na nakumpleto na ang depopulation at wala nang bumabalik na kaso ng pagkakasakit ng alagang baboy sa kanilang lugar, maaari na silang ideklarang ASF free.
Ayon sa DA-Bicol, ang incidence rate ng ASF sa probinsya ay pawala na.
Una nang sumipa ang mga positive sample cases doon noong Marso pero bumagal noong Mayo.
Pinaglalatag na ng DA–Bicol ang mga lugar ng safety protocols kabilang dito ang pagsasagawa ng clean-up at disinfection, at 90-days rest period, restocking ng sentinel pigs, repopulation at provision ng assistance sa mga apektadong backyard raisers.