Ilang lugar sa Cavite at Laguna, nawalan ng kuryente dahil sa ash fall

Nawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Cavite at Laguna kasunod na rin ng ash fall dulot ng pagaalburuto ng Bulkang Taal.

Sa abiso ng Meralco, nakaapekto na ang makapal na abo mula sa taal sa kanilang mga linya ng kuryente sa Cavite at Laguna na nagdudulot ng brownouts.

Sinisikap ng Meralco na maibalik agad ang kuryente sa lalong madaling panahon.


Tiniyak din nila na mananatili ang supply ng kuryente sa mga lugar na hindi naman naapektuhan ng ash fall.

Ang Meralco ay nag-o-operate at nagme-maintain ng Electric Distribution System sa Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, maging sa ilang siyudad at bayan sa Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon.

Facebook Comments