Plano ni Environment Secretary Roy Cimatu na ilagay sa lockdown ang ilang lugar sa Cebu City sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na si Cimatu ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tagapangasiwa ng COVID-19 response sa Central Visayas na dumating kahapon sa lungsod kasama sina Interior Secretary Eduardo Año, Health Secretary Francisco Duque III, at National Policy against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Cimatu, nagsasagawa na sila ng assessment sa sitwasyon.
Kailangang magpatupad ng lockdown para mapigilan pa ang paglobo ng kaso ng COVID-19.
Isa sa mga lugar na kanilang tinitingnan ay ang Barangay Mambaling, na may mataas na bilang ng COVID-19 cases.
Iinspeksyunin din ang mga ospital, quarantine facilities, at testing facilities.