Ilang lugar sa dalawang barangay sa Muntinlupa City, inilagay sa extreme localized community quarantine dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Epektibo ngayong araw hanggang sa March 28, dakong alas-sais ng umaga, isinailalim ng Muntinlupa City Government sa “extreme localized community quarantine” ang ilang lugar sa dalawang barangay sa Muntinlupa City.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang mga lugar.

Sa Barangay Tunasan, partikular na naka-lockdown ngayon ang Cruzero Street sa Villa Carolina .


Habang sa Barangay Cupang, naka-lockdown naman ang 124 Purok 1.

Naghanda naman ng food packs ang Muntinlupa LGU para sa mga apektadong residente habang nagpapatuloy ang COVID testing sa mga residente ng naturang mga lugar.

Facebook Comments