Inanunsyo ng Provincial Veterinary Office sa Ilocos Norte na ang ilan sa mga munisipalidad na dating apektado ng African swine fever (ASF) ay ginawang “pink (buffer) zones.”
Sa 16 na bayan at lungsod sa Ilocos Norte na dati nang naapektuhan ng ASF, tatlo na lamang ang nananatili sa ilalim ng “red (infected) zones, ito ay ang mga bayan ng Banna, Piddig, at Bangui na kung saan dumaan sa sample testing at surveillance ang mga babuyan.
Noong nakaraan, ang ASF ay kumalat sa 16 na bayan at lungsod sa Ilocos Norte, ito ay, ang mga lungsod ng Laoag at Batac, at ang mga bayan ng Pinili, Dumalneg, Bacarra, Nueva Era, San Nicolas, Burgos, Piddig, Sarrat, Vintar, Banna, Dingras, Marcos, Carasi, at Solsona na binubuo nila ang higit sa kalahati ng lalawigan.
Habang naghihintay na maalis sa ASF, sinabi ng provincial veterinarian na inihahanda na nila ang pagpapatupad ng “sentinel program” kung saan ang Department of Agriculture ay mamimigay ng “sentinel pigs” at mga feed sa mga magsasaka at sisimulan ang hog repopulation program.
Matatandaang naglaan ang Department of Agriculture ng PHP110-million ASF indemnification fund para tulungan ang 3,459 hog raisers para sa pag-cull sa 21,843 na baboy dahil sa ASF sa Ilocos Region.
Nakatanggap ang Ilocos Norte mula sa DA ng kabuuang PHP28.89 <2889> milyon bilang kabayaran sa mga pagkalugi nito dahil sa ASF.
Ang halaga ay bukod sa inisyal na pagpapalabas ng PHP5 milyon mula sa calamity fund ng lalawigan para magbigay ng recovery assistance sa mga magsasaka na naapektuhan ng ASF. | ifmnews
Facebook Comments