Ilang lugar sa Luzon, nawalan ng kuryente ngayong hapon

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkaputol ng serbisyo ng kuryente sa ilang lugar sa Luzon

Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na nagpatupad ito ng manual load dropping (MLD) sa mga sumusunod na lugar simula kaninang 1p.m. hanggang 2 p.m. noong Abril 16, 2024:

Mga bahagi ng Nueva Vizcaya na siniserbisyuhan ng NUVELCO


• Ilang bahagi ng Ifugao – IFELCO
• Ilang bahagi ng Pangasinan – CENPELCO
• Ilang bahagi ng Bataan – PENELCO
• Ilang bahagi ng Tarlac – TARELCO II
• Ilang bahagi ng Lipa City – BATELEC II
• Ilang bahagi ng Sorsogon – SORECO 1 &II
• Ilang bahagi ng Albay – ALECO

Ayon sa NGCP, maaaring kanselahin ang iskedyul sa sandaling bumuti ang kondisyon ng system, tulad ng kung ang aktwal na demand ay bumaba sa ibaba ng mga projection.

Ang Luzon Grid ay nasa ilalim ng Red at Yellow Alert status pagkatapos na tatlong planta ng kuryente ang sapilitang itinigil ang operasyon habang labing isa ay tumatakbo sa derated na kapasidad, para sa kabuuang kapasidad na 2,525.5 megawatts (MW) na hindi magagamit sa grid.

Facebook Comments