Ilang lugar sa Maynila at Bulacan, makararanas ng power interruption

Manila, Philippines – Asahan ang power interruptions sa ilang lugar sa Bulacan, Quezon City, Makati City at Taguig City ngayong araw dahil sa mga nakatakdang maintenance work ng Meralco.

Alas-8 hanggang alas-9 ngayong umaga nakatakdang mawalan ng kuryente sa mga Barangay Sta. Cruz at Barangay Encanto sa Angat, Bulacan habang sa Norzagaray ay ang mga barangay Bangsal, Baraka, Bitungol, Matictic, Bigte at Poblacion.

Samantala, damay rin ang mga lugar sa barangay Paltok, Bagong Barrio, Cacarong Bata, Cacarong Matanda, Cupang, Real De Cacaro, Pinagkuartelan, at Siling Maranda.


Mawawalang din ng kuryente sa Quezon City mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, partikular na sa Barangay Payatas kabilang ang Lupang Pangakong Subdivision at Dumpsite Neighborhood Association.

Apektado rin ang mga barangay ng San Antonio, Makati City ng alas-10 ng umaga hanggang alas -5 ng hapon at bagumbayan sa Taguig mula alas-9 ng umaga hanggang als -2 ng hapon.

Facebook Comments