Ilang lugar sa Maynila, baha pa rin

Manila, Philippines – Mabagal ang paghupa ng tubig baha sa lungsod ng Maynila dahil binabaha pa rin ang maraming lugar dulot ng magdamag na walang tigil na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyong Maring.

Sa aking pag-iikot sa mga lugar na binabaha, gutter deep pa rin ang lugar sa Laon Laon Sampalok, sa Paco posable naman pero binabaha parin ang Taft Avenue.Padre Burgos, Pedro Gil maging sa harapan ng PGH, T.M Kalaw, R. Papa,gutter deep sa Antipolo kanto ng España,Dimasalang Sampalok,Espana Blvd M.Dela Fuente hanggang Lacson ay gutter deep, Bluementritt,Quirino Avenue, Padre Faura.

Bagamat tigatik na lamang ang ulan pero mabagal ang paghupa ng tubig baha sa mga lugar na aking dinadaanan.


Napapansin ko na ilang mga tricycle driver at kuliglig ang namamayagpag ngayon at nangongontrata mula Quiapo hanggang Lawton ay sinisingil nila ng 80 pesos hanggang 100 piso.

Marami pa rin mga pasahero ang stranded mula Quiapo hanggang Lawton dahil madalang lamang dumadaan na mga PUJ dahil sa baha ang mga lugar na kanilang dinadaanan.

Nagpasya nalamang ang ibang pasahero na maglakad mula Quiapo hanggang sa UN dahil sa halos walang dumadaan na pampasaherong jeep.

Facebook Comments