Ilang lugar sa Maynila, binaha matapos ang nararanasang pag-ulan

Binaha ang ilang mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila dahil sa nararanasang pag-ulan ngayong araw.

Dahil dito, pahirapan ang biyahe ng ilang mga motorista lalo na ang mga light vehicles na nagiging dahilan ng pagbagal ng daloy ng trapiko.

Partikular sa kahabaan ng Taft Avenue pagsapit sa bahagi ng Vito Cruz, Quirino, Padre Faura at UN Avenue.

Nabatid na gutter deep ang naitalang pagbaha sa nasabinog kalsada kung saan patuloy ang operasyon ng Manila Department of Public Service para agad itong humupa.

Maging ang mga kalsada sa paligid ng Manila City Hall ay binaha na rin tulad sa Natividad Lopez, Antonio Villegas, San Marcelino at Tapat ng Kartilya ng Katipunan ay gutter deep ang baha.

Facebook Comments