Nagkansela na ng klase ang ilang lugar sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Ulysses.
Sa Metro Manila, wala nang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa mga lungsod ng:
• Marikina City
• Pasig City
• Parañaque City
Habang Pre-School hanggang High School naman sa (private and public):
• Valenzuela City
• City of Manila
• Pasay City
• Makati City
• Taguig City
• Las Piñas City
• Quezon City
• Muntinlupa City
Kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga lalawigan ng:
• Plaridel, Bulacan
• Cagayan
• Camarines norte
Samantala, hanggang Nobyembre 15, walang pasok sa Camarines Sur dahil wala pa ring kuryente sa probinsya mula nang manalasa ang Super Typhoon Rolly.
Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na nakadepende sa mga lokal na pamahalaan ang pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase.
Batay sa panuntunan ng DepEd, awtomatikong suspendido ang klase kapag mayroong storm warning signals.