Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong linggo ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan dahil sa maintenance work o pagkukumpuni sa mga lugar, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).
Sa Martes ika-3 ng Setyembre, mawawalan ng kuryente ang Tondo sa pagitan ng alas-diyes ng umaga at alas-kwatro ng hapon, habang sa Miyerkules at Huwebes naman mawawalan ng kuryente ang Metroville Subdivision sa Barangay Pooc (pook) sa Laguna.
Samantala, mawawalan din ng kuryente sa Huwebes ang Alabang sa Muntinlupa at Darmariñas City sa Cavite; at sa Biyernes, ang Bagong Ilog sa Pasig at ilang lugar sa Cavite.
Facebook Comments