Ilang lugar sa Metro Manila, binaha dahil sa malakas na pag-ulan kagabi!

Manila, Philippines – Ilang lugar sa Metro Manila ang binaha kagabi dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa ParaƱaque City, abot hanggang dibdib ang baha at lumubog ang ilang bahay sa Barangay Vitales dahil sa pag-apaw ng Baltaw River.

Sa ngayon, mino-monitor muna ng mga barangay official ang lagay ng panahon bago magdesisyon kung magsasagawa ng paglikas.


Matinding traffic naman sa EDSA-Cubao sa Quezon City at Macedes Street sa Maynila ang idinulot ng baha kahit umabot lang ito hanggang sa gutter ng kalsada.

Habang sa Chino Roces Avenue sa Makati, na-stranded ang ilang commuters.

Facebook Comments