Manila, Philippines – Matapos ang Baclaran, isusunod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang clearing operations ang Divisoria at iba pang lugar na may mga illegal vendors, illegal terminals at illegal parking.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, gagawin nila “template” o batayan ang naging clearing operation sa Baclaran sa mga ikakasa pa nilang operasyon sa ibang lugar sa Kamaynilaan.
Bukod sa Divisoria, kasama rin sa plano ng MMDA ang clearing operations sa Balintawak, Cubao, Quiapo, Guadalupe, Pasay, Taft at iba pa.
Aminado naman si Orbos na hindi pa tapos ang kanilang trabaho sa Baclaran na kasalukuyan nilang binabantayan ng 24/7 oras para matiyak na hindi magbabalikan ang mga vendors sa bahagi ng Redemptories at Roxas Blvd. service road.
DZXL558