Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Atty. Harry Roque na may ilang lugar na sa Metro Manila ang isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) pagsapit ng May 16, 2020
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Roque na isinasapinal na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang listahan ng mga lugar sa Metro Manila na mapapabilang sa GCQ at mananatili sa ECQ.
Paliwanag ni Roque, ibabase nila ang kanilang desisyon sa Siyensya at ang kapasidad sa pagbibigay ng ciritical care sa COVID-19 patients
Matatandaang una nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ilang lugar sa NCR ang isasailalim na sa GCQ sa May 16, 2020 tulad ng San Juan at Valenzuela City na patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19
Pero, posibleng manatili pa rin sa ECQ ang Quezon City na itinuturing na very high-risk area na mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na mayroong 1,464 confirmed cases at 292 na ang naitalang nasawi.