Ilang lugar sa Metro Manila, prone sa liquefaction

Delikado sa liquefaction ang ilang lugar sa Metro Manila.

Sa depinisyon ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang liquefaction ay ang paglambot ng lupa bunsod ng tubig sa lupa.

Nawawala ang tibay at lumuluwag ang consolidated soil deposits at lalabas na parang itong “fluid”.


Ito ang dahilan ng pagbagsak at pagtumba ng maraming gusali sa Dagupan City, Pangasinan noong 1990 killer earthquake.

Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum – ito ang nakikita nilang dahilan ng pagsandal ng gusali ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Maynila sa katabing gusali matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes.

Dagdag pa ni Solidum – posibleng mangyari ang liquefaction kapag nagkaroon ng intensity 7 na lindol.

Maaaring maiwasan ang liquefaction sa pamamagitan ng pagdisensyo ng gusali na naaayon sa uri ng lupang tatayuan.

Facebook Comments