Ilang lugar sa Mindanao, pansamantalang makakaranas ng power interruption ngayong linggo – NGCP

Manila, Philippines – Sasailalim sa maintenance activity ang ilang bahagi ng Agusan del Sur, Davao Oriental at malaking bahagi ng Surigao del Sur, bukas hanggang sa susunod na linggo.

Sa abiso na inilabas ng National Grid Corporation of the Philppines, una nang sumailalim ang mga nabanggit na lugar sa maintenance activity kaninang alas 8 ng umaga na tumagal lamang ng 30 minuto at agad ding naibalik ang kuryente.

Magpapatuloy ang nasabing maintenance hanggang sa ika 25 ng Setyembre, mula 8 – 8:30 am, para sa pagsasaayos ng mga transformer sa Bislig Substation.


Pinapayuhan ang mga consumer na nakatira sa mga nabanggit na lugar na makipagugnayan sa kanilang Local Distribution Utilities, para sa iba pang impormasyon.

Facebook Comments