Ilang lugar sa Northern Luzon Grid, nawalan ng kuryente kasunod ng pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Abra kaninang umaga; Luzon Grid, itinaas na ng NGCP sa red alert

Nawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Northern Luzon kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Abra kaninang umaga.

Ayon sa Department of Energy (DOE), kabilang sa mga naapektuhan ng power interuption ay ang:
• Abra Electric Cooperative (ABRECO)
• Mountain Province Electric Cooperative (MOPRECO)
• La Union Electric Cooperative (LUELCO)
• Central Pangasinan Electric Cooperative
• Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC)

Gayunpaman, bumabalik na sa normal ang operasyon ng power generation plants sa mga naturang lugar, gayundin ang National Power Corp. Small Power Utilities Group Plants sa Northern Luzon.


Habang kasalukuyan pang inaayos ang Hedcor Hydroelectric Power, Ferdinand l. Singit, at Sabangan Facilities.

Samantala, itinaas na sa red alert ng National Grid Corporation of the Phillippines (NGCP) ang Luzon Grid dahil sa naturang power insufficient supply, na nakakaapekto sa milyon-milyong residente ng Metro Manila at mga kalapit probinsya nito na sakop ng Manila Electric Cooperative (MERALCO).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng NGCP, nagkaroon ng problema sa line segment ng LUELCO kaya nagkaroon ng power outage ng maganap ang malakas na lindol kaninang umaga.

Facebook Comments