Lubog na sa baha ang ilang bayan sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Maring.
Kaugnay nito, nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations ng disaster management units ng iba’t ibang lalawigan.
Sa La Union, ipinakalat na ang rescue teams sa mga bayan ng Bacnotan, Bangar, Luna, San Juan at San Gabriel.
Inalerto na rin ng provincial government ang mga residente na naninirahan malapit sa mga dagat at ilog at mga lugar na maaaring makaranas ng landslide na lumikas na muna.
Kagabi ay pansamantala na ring isinara ang Rosario-Pugo road sa bahagi ng Marcos Highway dahil sa mga napaulat na landslide sa Barangay Ambalite sa La Union.
Samantala, lubog na ngayon sa baha ang ilang barangay sa bayan ng La Trinidad, Benguet dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Facebook Comments