
Makararanas ng halos labindalawang oras na power interruption ang ilang lugar sa Pangasinan sa darating na Sabado, 12 ng Hulyo.
Mula 6:15 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, pansamantalang mawawalan ng kuryente ang mga sinusuplayan ng CENPELCO Substations sa Bugallon, Mangatarem, Urbiztondo, Lingayen at Binmaley.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, magpapalit umano ng kable ang tanggapan sa Labrador-Quibaol at Quibaol-Lingayen 69KV line segment. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









