Ilang lugar sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig

Quezon City – Nasa limang barangay sa lungsod ng Quezon ang makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig simula mamayang hating gabi.

Ayon sa inilabas na ulat ng Manila Water Company Inc., anim na oras ipatutpad ang water interruption simula mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bukas.

Kabilang sa maaapektuhan ng kawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Laging Handa, Obrero, Kamuning, Paligsahan at Roxas district o nasa 12,000 pamilya.


Ito ay dahil sa isasagawang pagkukumpuni ng Manila Water sa ilang linya ng mga daluyan ng kanilang tubig at upang mas mapahusay pa ang kanilang serbisyo sa mga costumers.

Samantala, ang ilang residente sa Barangay West Triangle ay makakaranas din ng water interruption bukas ng alas 10:00 ng gabi at muling magbabalik ang serbisyo ng Manila Water sa ganap na alas 5:00 ng hapon.

Facebook Comments