Ilang lugar sa Quezon City mawawalan ng supply ng tubig ngayong araw hanggang sa Lunes

122

Manila, Philippines – Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City ngayong araw hanggang sa Lunes.

Ito ay dahil na rin sa gagawing maintenance work ng Manila water at Maynilad.

Mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga ay walang supply ng tubig sa parte ng Elisco road sa Kalawaaan.

Habang kaninang alas 7:00 pa ng umaga ay wala nang tubig sa Batasan Hills, Commonwealth at Payatas at asahang ibabalik ito mamayang alas 9:00 ng gabi.

Mawawalan din ng supply ng tubig sa linggo ng gabi hanggang sa Lunes ng madaling araw sa Sto. Domingo, Talayan, at Tatalon.

Facebook Comments