Lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa Region 5 bunsod ng pananalasa ng Bagyong Amang.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kasama sa mga binahang lugar ay ang ilang munisipalidad at bayan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Naga at Albay.
Sa ngayon, nasa 81 pamilya o katumbas ng 280 indibidwal mula sa 7 barangay sa Region 5 ang apektado.
Sa nasabing bilang, 78 na mga pamilya o 275 na katao ang nananatili pansamantala sa 5 evacuation centers habang ang 3 pamilya ay mas pinili na makituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Samantala, nakapagbigay na ang pamahalaan ng mga family food packs sa mga apektadong residente o katumbas ng halos P50,000 ayuda.
Facebook Comments