Ilang lugar sa Rizal, 8 oras mawawalan ng tubig

52

Makakaranas ng 8 oras na walang suplay ng tubig ang ilang lugar sa lalawigan ng Rizal dahil sa pagsasa-ayos sa Siruna Pumping Station sa Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Ayon sa Manila Water , ang temporary water service interruption ay mararanasan mula Miyerkoles, October 21, 2020 ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng Huwebes ng October 22, 2020.


Ang mga apektadong lugar sa Antipolo City ay Barangay Bagong Nayon, Mambugan, Mayamot, (Pagrai area only) , Cupang (Pagrai area only), Dalig, maliban sa kahabaan ng Along Road hanggang Teresa, Tapales, Gamboa, Brgy. Dela Paz, Sta. Cruz, San Isidro maliban sa Bermuda Heights, Buliran Road, kahabaan ng Circumferential Road, San Roque, San Luis, maliban sa Corville, Biong, Primavera, San Jose maliban sa Marcos Highway, Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan, Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, San Roque at San Guillermo gayundin sa Binangonan, Angono at Taytay bahagi ng Tayuman at Palangoy, Mahabang Parang at Dolores.

Pinapayuhan ang mga residente sa lugar na mag-ipon na agad ng tubig.

Facebook Comments