Manila, Philippines – Umabot na hanggang baywang ang tubig baha sa Taytay Rizal dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Ayon kay Taytay NDRRMO Head Engr. Elmer Espiritu maraming lugar sa Taytay Rizal ang binabaha gaya nh sa Maria Clara, Isagani, Pulong Barit at E. Rodriguez.
Binabaha na rin ang ilang bahagi sa San Mateo Rizal at Cainta malapit sa Deped bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Kaugnay nito Mahigpit na tinututukan ngayon ng Rizal-Disaster Risk Reduction Management Council ang mga bulubundukin at mga ilog na posibleng magkaroon ng landslide at pagbaha dulot ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sa Lalawigan.
Ayon sa Rizal-DRRMC dahil sa patuloy ng pagbuhos ng ulan sa Lalawigan sinuspinde na ang klase sa lahat ng level sa Cainta, Cardona , Taytay, Morong at Teresa Rizal habang sinuspinde naman sa Pre School at Senior High School ay walang pasok sa Tanay, Binangonan, Angono, Baras at Antipolo sa pampubliko at pribadong paaralan.
Bukod sa Taytay Rizal minomonitor din ng Rizal- DRRMC ang mga lugar na binabaha at lugar na nagkaroon ng mga landslide upang agad na makagawa ng paraan ang gobyerno na maalalayan ang mga residente na naapektuhan ng mga patuloy ng pagbuhos ng ulan.
Sa pagtaya kasi ng PAGASA makakaranas ng pag ulan at pagkulog at pagkidlat sa bahagi Rizal at karatig Lalawigan na mahigpit na minomonitor ng Rizal- DRRMC.