Napanatili ng Bagyong Auring ang lakas habang kumikilos pa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 395 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 80 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa
– Mga lugar sa silangang bahagi ng Eastern Samar
– Dinagat Islands kabilang ang hilagang bahagi ng Surigao del Norte
Habang Signal no. 1 naman sa mga sumusunod:
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao Island
– Northern Samar
– Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern leyte
– Cebu
– Bohol
– Siquijor
– Negros oriental
– Hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental
– Silangang bahagi ng Iloilo
– Silangang bahagi ng Capiz
– Nalalabing bahagi ng Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del norte
– Davao city
– Camiguin
– Misamis oriental
– At Bukidnon
Bunsod nito, asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, hanging amihan naman ang nakakapekto sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.