Ilang lugar sa walong rehiyon, nakaranas ng pagbaha ayon sa monitoring ng NDRRMC

Manila, Philippines – Nakaranas ng pagbaha ang ilang lugar sa walong rehiyon sa bansa dahil sa walang patid na buhos ng ulan dulot ng bagyong gorio at habagat na nararanasan sa Luzon at Western Visayas.

Sa huling ulat ng NDRRMC, nakaranas ng pagbugso bugsong ulan ang ilang lugar sa rehiyon ng Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Westen Visayas, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

Sa Ilocos Region, nakaranas ng pagbaha ang ilang mga brgy. sa Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte at Pangasinan.


Sa Central Luzon nakaranas ng pagbaha sa ilang brgy. sa Bataan, Zambales, at Aurora.

Sa CALABARZON ilang brgy. ang binaha sa Quezon, Laguna, Cavite, Rizal, at Batangas.

Sa MIMAROPA nakaranas ng pagbaha ang mga brgy. sa Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at Occidental Mindoro.

Sa Bicol region, binaha rin ang ilang brgy. sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon at Masbate.

Sa Western Visayas region binaha ang ilang brgy. sa Capiz, Antique, Aklan, Iloilo.

Sa CAR, binaha rin ang ilang brgy. sa Benguet, Apayao, Ifugao, Mountain Province, Kalinga at abra.

At sa Nationa Capital Region nakaranas ng pagbaha ang mababang lugar sa Metro Manila.

Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar na maging alerto at kung kinakailangang lumikas ay gawin agad ito.

Ito ay upang maiwasan ang may masugatan o masawi dahil sa sama ng panahon.

Facebook Comments