Ilang siyudad sa Visayas at Mindanao ang itinuturing na ngayong areas of concern dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng OCTA Research Group, kabilang dito ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban City.
Nasa 28 porsyento din anila ang itinaas ng average daily cases sa Davao City matapos na umabot na ngayon sa 246 ang daily cases mula sa 193 na naitatala.
Naobserbahan din ang mataas na bed occupancy rate o higit 70 percent sa Iloilo city, caGayan de oro, Tuguegarao, Dasmariñas, Butuan, Tacloban, Roxas city at Polomolok, South Cotabato.
Samantala, nasa 700 cases per day naman ang naitalang average sa Metro Manila mula Hunyo 15 Hanggang nitong Lunes, hunyo 21.
Facebook Comments