Ilang lupa sa Cavite, ideklara bilang special economic zone

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ilang mga lupa sa Tanza, Cavite bilang special economic zones o ecozones.

Batay sa Proclamation No. 513 na nilagdaan ni Exec. Sec. Lucas Bersamin, ang deklarasyon ay inilabas alinsunod sa Republic Act No. 7916 o ang “Special Economic Zone Act of 1995” na inamyendahan ng RA No. 8748, at sang-ayon na rin sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Sa ilalim nito, awtomatikong lilikhain ang MetroCas Industrial Estates-Special Economic Zone sa Tanza, Cavite.


Layunin ng Special Economic Zone Act na buhayin ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-develop ng mga special economic zones o ecozones sa bansa.

Facebook Comments