Ilang maagang pumila para sa huling araw ng voter registration, maagang naabutan ng cut off

Dismayado ang ilang mga nais humabol sa araw ng voters registration ng Commission on Election (COMELEC) para sa 2022 national and local elections makaraang hindi na sila nakaabot sa cut off na maagang pumunta sa voters satellite registration ng COMELEC sa SM North Quezon City.

Nabatid na alas-5 pa lang ng madaling araw ay napuno na ang 300 Slot na inilaan para sa huling araw ng voter registration para sa mga taga-District 2 sa QC.

May mga taga-COMELEC na pumunta para kausapin ang mga maagang pumila na hindi inabutan ng cut off at pinabalik na lang sila mamayang ala-una ng hapon.


Pero marami pa rin ang nagdesisyon na manatili pa rin at nagbabakasakaling makahabol sa pila ngayong umaga upang makapagparehistro para sa COMELEC at makaboto sa 2022 national and local election.

Facebook Comments