Nakumpiska sa Bugallon Public Market ang ilang mandarayang timbangan matapos ang biglaang inspeksyon ng Market Office sa mga pwesto nitong linggo.
Ang inspeksyon ay kasunod ng mga reklamo ukol sa hindi tamang timbang ng mga produkto at maling calibration ng timbangan, dahilan ng hindi patas na kalakalan.
Layunin ng naturang hakbang na panatilihing patas at naaayon sa batas ang kalakalan para sa mga manlalako at mga konsyumer.
Suhestyon naman ng ilang residente ang pagtatakda ng initial calibration sa lahat ng ipinapasok na timbangan at pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga mahuhuling lalabag.
Paalala naman ng lokal na pamahalaan, bukas at malayang gamitin ang Timbangan ng Bayan na matatagpuan sa wet section ng pamilihan upang masiguro ng mga mamimili ang timbang ng kanilang mga pinamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








