ILANG MAG-AARAL SA PANGASINAN, TINURUAN PALAKASIN ANG KAALAMAN SA GENDER-BASED LAWS

Mas pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang kampanya sa pagpapalawak ng kaalaman ng nga mag-aaral hinggil sa mga batas na nagtatanggol sa kababaihan at kabataan, ngayong National Women’s Month.

Sa halip na karaniwang selebrasyon, nakatuon ang tanggapan sa pagpapalawak sa kaalaman ukol sa gender-based laws tulad ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Anti-Sexual Harassment Act, Safe Spaces Act, at Anti-Rape Law.

Layunin nitong gawing mas mulat ang mga kalahok lalo na ang kabataan sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa lipunan.

Binigyang-diin sa diskusyon ang kahalagahan ng respeto, pananagutan, at aktibong pakikilahok ng bawat isa sa pagbuo ng ligtas at inklusibong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments