Ilang Mag-aaral sa San Mariano, Isabela, Hinandugan ng Gamit Pang-eskwela

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng mga gamit pang-eskwela ang mga mag-aaral ng Villa Miranda Integrated School sa barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela mula sa 95th Infantry Battalion at Armed Forces and Police Saving and Loan Association Inc. o AFPSLAI.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay LTC Lemuel Baduya, Commanding Officer ng 95th IB, nasa 42 na mga estudyante ang nabigyan ng bag at school supplies tulad ng notebook, papel, lapis at iba pa.

Ang mga ibinahaging gamit pang-eskwela ay inihatid sa pamunuan ng 95IB ng mismong Branch Manager ng AFPSLAI na si Joyce R. Valientes sa kaniyang pagbisita sa nasabing hanay.


Ayon kay Lt. Baduya, ang pamamahagi ng school supplies sa mga batang mag-aaral ay isa lamang pagpapakita na ang kasundaluhan at ang pamahalaan ay seryoso sa paghahatid ng anumang klaseng tulong na ibibigay sa mga nangangailangan lalo na sa mga taong naging biktima ng maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.

Ang barangay Dibuluan ay naging bahagi sa malakihang operasyon ng CPP-NPA na kung saan ginaganap dito ang kanilang taunang anibersaryo kasama ang mga inosenteng sibilyan.

Facebook Comments